Saturday, May 13, 2006

Paano mo hahalikan ang isang bote ng beer?

Hahalikan mo ang isang bote ng beer
ng may pagsamba;
na ang bawat kilos papalapit dito
ay ang mga sigundong
natitira upang makamit ang sigla
at napipinting kahimlayan.

Hahalikan mo ang isang bote ng beer
ng may pagmamahal;
na ang pagbibilang ng araw ay papalapit
sa muling pagtikim sa kanyang likido,
ang bawat haplos at pagsuporta sa kanyang katawan
ang tagal na hinintay upang siya ay ulit na maaruga.

Ang bote ng beer na kay tagal ninais pagsilbihan
ng aking pagkatao at kamalayan,
ang bote ng beer na kay tagal
ninais yakapin at yapus-yapusin,
ay isa lamang sa libo-libong pinapangarap
suyuin ng aking mga labi;

Ang kanyang mga bulang nililigaw ng hangin
patungo sa dakong himpapawid,
na ang pangarapin ang kanyang pagdampi
sa aking kalamnan ay hindi lubusang matanggap
kahit ng aking mga mata, pisngi, at palad,
na mawala.

Ngunit aanhin ang bote ng beer
na sagaran nang binukbok ng panahon,
ang tansan na tadtad sa kalawang,
at ang nag-aanimo'y kulay lupang nilalaman nito;
ang spirito na tuluyan nang naglaho?

Patuloy ko itong sasambahin
at pilit na pag-aalayan ng sarili
sa isang mundong binalot ko
ng pag-asa para sa kanya;
Ang mundo kung saan ako at ako lamang
ang makakaintindi
kung paano ito aanihin nang mabuti
at muli siyang maipagtataguyod.



----------------------------------------------------------
People try to look for happiness as a means of getting by.
I don't try to find happiness.
I just try to get by.
----------------------------------------------------------




excerpts from Melancholy of the Untitled